![]()
Inaprubahan ng Parliamentary Commission ang planong pagpataw ng toll sa mga barkong dumadaan sa Strait of Hormuz, ayon sa ulat ng Iranian state media.
Tinukoy ng isang miyembro ng Security Commission ng Parlamento, na kabilang din sa plano ang “financial arrangements and rial toll systems” at pagpapatupad ng “sovereign role ng Iran,” pati na kooperasyon ng Oman sa kanilang bahagi ng Strait.
Kasama rin dito ang pagbabawal sa Americans at Zionist Regime na dumaan, pati mga bansang nagpapatupad ng sanctions sa Iran.
Nasa ikalimang bahagi o 20 percent ng global crude oil at liquefied natural gas ang dumadaan sa Strait of Hormuz kapag walang gulo.
