dzme1530.ph

Planong pagtatanim ng 100-M puno ng niyog, inilatag sa Pangulo

Inilatag kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Massive Coconut Planting and Replanting Project 2023-2028.

Ito ay sa pakikipagpulong ng Pangulo sa Malakanyang sa mga opisyal ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Sa ilalim ng proyekto, target na maitanim ang hanggang 100-M puno ng niyog sa susunod na limang taon.

Ito ay upang matugunan ang masiglang local at international demand sa coconut products, at makapaghatid ng benepisyo sa ekonomiya at sa coconut farmers.

Layunin din nitong makabuo ng mga istratehiya sa coconut post-harvest, processing, at marketing interventions sa ilalim ng coconut farmers and industry development plan.

Palalakasin ng PCA ang proyekto sa pagtatanim ng puno ng niyog sa harap ng pinangangambahang “state of decline” o nanganganib na paglubog ng coconut industry bunga ng epekto ng climate change at mga kalamidad. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author