dzme1530.ph

Planong pagdulog ni Remulla sa IBP, pinatutuloy ng kampo ni Cong. Arnie Teves

Hinamon ng kampo ni Congressman Arnolfo Teves Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ituloy ang pagdulog sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, ang lead counsel ni Teves Jr., sumige lang si Secretary Remulla at siya ay pasayahin.

Ngunit tiyakin lamang aniya ng kalihim na siya ang complainant o maghahain ng kaso sa IBP at hindi ang kanyang mga tauhan sa DOJ.

Dapat aniyang patunayan ng kalihim na siya ay matapang at karapat-dapat bilang Caviteño.

Ang reaksiyon ni Topacio ay tugon sa sinabi ni Remulla na paiimbestigahan sa IBP ang pagpapakilala ni Topacio bilang abogado ni Congressman Teves ngunit wala namang pinipirmahan o patunay gayundin ang kawalang paggalang sa proseso ng batas. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author