Batas ang kailangan at hindi simpleng executive order lang para sa planong merger ng Land Bank at Development Bank of the Philippines (DBP).
Ito ang sinabi ni Albay Cong. Edcel Lagman kasunod ng pagbuhay ng administrasyong Marcos na pag-isahin na lang ang dalawang estate bank.
Giit ni Lagman, tanging Kongreso lang ang may kapangyarihang magbigay at mag-amyenda ng “Legislative Charters” para sa operasyon ng isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) kabilang ang pagbuwag at merger nito.
Paliwanag pa ng veteran legislator, magkahiwalay ng mandate ang dalawang bangko dahil ang DBP ay nabuo sa bisa ng RA No. 2081 of 1958, habang ang LBP naman ay sa ilalim ng RA No. 3844 of 1963.
Dagdag pa nito, para umusad ang pagsasanib ng LBP at DBP, isang legislative enactment ang kailangan at hindi executive order. —sa ulat ni Ed Sarto