![]()
Welcome para sa Malakanyang ang plano ng ilang kongresista na i-donate ang bahagi ng kanilang sweldo upang matulungan ang mga higit na apektado ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, maganda ang planong ito ng mga kongresista upang makatulong sa mga nangangailangan.
Sa panig ng Ehekutibo, sinabi ni Castro na puspusan ang kanilang pagtitipid upang makabawas sa gastos at konsumo sa enerhiya.
Hindi naman anya magdidikta ang Pangulo sa ibang sangay ng gobyerno kung paano makakatulong sa kinakaharap na krisis ng bansa.
