Positibo rin ang naging tugon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa plano ni Finance secretary Ralph Recto na irekomenda sa Malacañang ang pagpapatigil sa operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sinabi ni Pimentel na naging malaking problema ang POGO operations dahil pinaglaruan nila ang mga batas ng bansa.
Ipinaliwanag ng Senador na marami sa mga nakakuha ng lisensya at permit ay nasangkot din sa mga iligal na aktibidad na itinago nila sa mga ligal nilang gawain.
Ang ilan namang kumpanya ay hinayaang mag-lapse ang kanilang lisensya at permit subalit patuloy pa rin sa kanilang operasyon partikular sa kanilang mga iligal na gawain.
Ang iba naman anya ay sadyang walang mga permit at lisensya subalit ang kanillang mga manager at mga tauhan ay mula sa mga authorized POGOs.
Dito anya mapatutunayan na buong sistema ang naging problema kaya’t panahon nang ideklara na lahat ng POGO activities ay iligal.