Ngayong Buwan ng Wika, binuhay ni Quezon City 5th Dist. Rep. at Deputy Majority Leader Patrick Michael “PM” Vargas ang “Plain Language for Public Service Act.”
Ang House Bill No. 2880 ay naglalayong i-institutionalize ang paggamit ng lokal na lenguwahe o ‘local mother tongues’ sa lahat ng gov’t documents at communications.
Kasama rito ang application forms, health bulletin, voting materials, disaster advisories, at barangay-level announcements.
Kaakibat ng panukala ang “framework for language selection by locality” at mandato para sa training at capacity building ng government personnel para sa epektibong pagpapatupad ng polisiya.
Paliwanag ni Vargas, layon nitong alisin ang language barriers sa government transactions dahil ayon sa kanya, kapag nauunawaan ng tao ang impormasyong natatanggap, nagkakaroon sila ng tiwala at nakikinabang sa serbisyo ng pamahalaan.
Hindi ito ang unang paglusong ng panukalang ito, dahil noon pang 18th Congress ay tinangka na itong ipasa ni dating Congressman Alfred Vargas, kapatid ni PM Vargas.