dzme1530.ph

PITX, inaasahan na ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa

1.7 million na pasahero naman ang inaasahang gagamit ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Semana Santa.

Ayon kay PITX Corporate Affairs Head Jason Salvador, inaasahang magsisimulang dumami ang mga pasahero sa terminal sa biyernes, March 22 hanggang sa bumalik ang mga ito sa Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay, March 31.

Ang naturang bilang ay mas malaki kumpara sa 1.2 million passengers na gumamit ng PITX noong nakaraang Semana Santa.

Bilang bahagi naman ng paghahanda sa sampung araw na pagdagsa ng mga biyahero, tiniyak ng PITX na mayroon silang sapat na bilang ng bus units na magsisilbi sa mga commuter.

About The Author