Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na mayroon nang karagdagang bus na aalalay sa mga biyahero ngayong araw hanggang linggo.
Bagamat wala pa silang namonitor sa ngayon na may fully-book na biyaheng probinsiya, subalit nakaantabay naman ang 82 Bus unit.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Office Colyn Calbasa bukod sa may nakaabang na Bus may special permits narin ang inilaan sakalaing kapusin ng mga bus unit na babiyahe sa mga lalawigan sa Norte at Southern Luzon.
Sa ngayon, pumalo na sa 44,031 ang bilang ng pasahero as of 11am.
Nanatili namang maayos at smooth ang ma biyaheng pa- South pati na rin ang mga bagong ruta na biyaheng pa- Norte gaya ng Nueva Ecija, Olongapo, Baguio at Tarlac.
Inaasahan namang tataas pa ang bilang ng mga biyahero na tutungo sa PITX mamayang gabi hanggang bukas.