![]()
Naipadala na sa Senado ang pirmadong kopya ng House Bill No. 8418 na nag-ootorisa sa Pangulo na suspendihin o bawasan ang excise taxes sa fuel products.
Ang kumpirmasyon ay nanggaling mismo sa tanggapan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Ang panukala, na principally authored nina Speaker Dy at Majority Leader Sandro Marcos, ay para maalalayan ang publiko sa epekto ng pagsipa ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Matatandaang bago ang Lenten break, pinagtibay ng Kamara ang HB 8418, at patuloy pa rin umanong nagmo-monitor ang mga ito sa mga kaganapan sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Office of the Speaker, ang Senado na ang magta-transmit nito sa Palasyo para pirmahan na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
