dzme1530.ph

Pinsalang dulot ng ITCZ sa Region X, pumalo na sa higit P77-M

Pumalo na sa mahigit P77-M ang halaga ng pinsalang dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Region 10.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa P77,327,595 ang kabuuuang danyos sa sektor ng agrikultura sa Northern Mindanao. 

Nasa P8,610,000 naman ang pinsala sa imrastruktura sa lugar, kabilang ang siyam na apektadong kalsada na ngayon ay maaari nang madaanan. 

143 na kabahayan din ang nasira, kung saan 75 dito ang totally damage. 

Kabuuuang 11,065 na pamilya o katumbas ng 52,209 katao ang apektado ng pagbaha sa 23 lugar. 

Samantala, nakapagtala ang NDRRMC ng isang nasawi dulot ng nasabing weather condition. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author