dzme1530.ph

Pinoy seafarers na nailigtas mula sa lumubog na MV Eternity C, umakyat na sa walo

Loading

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac na tatlo pang Filipino crew members ng MV Eternity C ang natagpuang ligtas.

Dahil dito, sinabi ni Cacdac na umakyat na sa walo ang kabuuang bilang ng mga nasagip na Pinoy seafarers.

July 7 nang atakihin ng missiles at rocket-propelled grenades ng Houthi forces ang bulk carrier na may lulang 22 crew members, kabilang ang dalawampu’t isang (21) Pinoy, sa Red Sea.

Lima (5) sa Filipino seafarers ang agad na na-rescue sa katubigan matapos lumubog ang barko bunsod ng tinamong pinsala.

Idinagdag ng DMW chief na bineberipika pa nila ang reports na tatlo hanggang apat ang posibleng nasawi, at makukumpirma lamang aniya ito kapag nakausap na nila ang mga nakaligtas na seafarers.

About The Author