dzme1530.ph

Pinoy pole vaulter EJ Obiena, bumaba sa no. 3 world rankings

Bumaba ang Filipino Olympian at Pole vaulter na si Ej Obiena sa no. 3 mula sa no. 2 sa rankings na inilabas ng World Athletics kamakailan.

Ang update ay ni-release, ilang araw matapos ang 2024 Paris Olympics kung saan nagtapos si Obiena sa ika-apat na pwesto sa pole vault finals.

Si Obiena ay umakyat sa world no. 2 noong July 2023.

Nanatili naman si Mondo Duplantis ng Sweden bilang no. 1 habang ang American na si Sam Kendricks ay umakyat sa ikalawang pwesto.

Si Duplantis ay nagwagi ng gold medal habang si Kendricks ang nagkamit ng silver medal sa katatapos lamang na Olympics.

 

About The Author