dzme1530.ph

Pinoy boxer Melvin Jerusalem, nasungkit ang WBC World Minimum Weight Title

Muling tinapos ni Filipino boxer na si Melvin Jerusalem ang pagkasabik ng bansa na makamit ang WBC World Minimum Weight Title matapos ang split decision victory laban sa Japanese na si Yudai Shigeoka sa International Conference Hall sa Nagoya, Japan.

Dalawa mula sa tatlong judges ang pumabor sa Pinoy boxer na umakyat ang record sa 22 wins, 3 losses with 12 knockouts habang ang boksingerong Hapones na nakatikim ng pagkatalo sa unang pagkakataon ay nalaglag sa 8-1 with 5 knockouts.

Ang scorecards ay 114-112, 114-112, at 113-114.

Ang 30-anyos na si Jerusalem ay naging Philippines’ First Boxing World Champion noong 2023 nang tumapak ito sa teritoryo ng kalaban para pabagsakin si Masataka Taniguchi sa pamamagitan ng second-round technical knockout.

About The Author