“Back on track” ang Filipino boxer na si Jerwin Ancajas makaraang manalo sa unang pagsabak niya sa 122 pounds.
Pinasuko ng Pinoy boxer sa ika-5 round ng bakbakan ang Colombian na si Wilner Soto sa The Armory sa Minneapolis, Minnesota.
Sa fourth round pa lamang ay tila pasuko na si Soto matapos paulanan ng malalakas na suntok ng dating world champion, hanggang sa 5th round ay napilitan na ang match official na si Charlie Fitch na itigil na ang boksing.
Ang pagkapanalo ni Ancajas ang nagbigay ng tuldok sa dalawang magkasunod na talo nito laban kay Fernando Martinez ng Argentina, at nag-akyat sa kanya sa record na 34-3-2 win-loss-draw record with 23 knockouts. —sa panulat ni Lea Soriano