dzme1530.ph

Pinoy boxer Eumir Marcial, naka-secure na ng slot sa 2024 Paris Olympics

Naka-secure na ng ticket sa 2024 Paris Olympics ang Filipino boxer na si Eumir Marcial makaraang umabante sa finals ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Pinabagsak ng 27 anyos na boksingero si Ahmad Ghousoon ng Syria sa second round ng semifinals para ma-secure ang gold medal match laban sa pambato ng China na si Tanglatihan Tuohetaerbieke ng China mamayang alas-8:00 ng gabi.

Bago pa man makasagupa si Ghousoon, pinada ni Marcial si Dalai Ganzorig ng Mongolia sa Round of 32, si Nguyen Manh Cuong ng Vietnam sa Round of 16, at Weerapon Jonghjoho ng Thailand sa quarterfinals.

Makakasama naman ni Marcial ang tatlo pang Pilipinong atleta na nag-qualify sa Paris Olympics, na sina EJ Obiena, Carlos Yulo, at Aleah Finnegan. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author