Itinanghal ng COMELEC si Crispin Diego “Ping” Remulla, anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, bilang nanalong kinatawan sa special congressional elections para sa ika-pitong distrito ng Cavite.
Ang nakababatang Remulla na tumakbo sa ilalim ng National Unity Party, ay nakatakdang punan ang congressional seat na binakante ng kanyang ama makaraang tanggapin nito ang posisyon bilang Justice Secretary.
Tinalo nito ang tatlong independent candidates sa pamamagitan ng 98,474 votes sa Trece Martires City at sa mga munisipalidad ng Amadeo, Indang, at Tanza.
Inilarawan ni Comelec Chairman George Garcia ang special elections noong Sabado na “very peaceful.”
Inihayag naman ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na 42.11% ang turnout ng naturang Special Polls.