Waging mai-angat ng 25-anyos na Pinay weightlifter na si Elreen Ando, ang laban nito sa 59kg weight division ng International Weightlifting Federation (IWF) World Cup sa Phuket, Thailand.
Nabuhat ng pinay ang kabuuang 228kg, kung saan 100kg ay sa snatch round, habang 128kg naman sa clean-and-jerk, dahilan upang ma-secure nito ang pwesto para sa 2024 Paris Olympics.
Kaya naman, isa sa mga goal ni Ando ay ang makapag-uuwi ng kahit anong kulay ng medalya mula sa Paris Olympics.
Samantala, isang atleta bawat bansa lamang ang maaaring makapasok kada weight class, kaya naman hindi muna makakasama ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.