dzme1530.ph

Pinay Racer Bianca Bustamante, handa nang kumarera sa Season 2 ng F-1 Academy sa Saudi Arabia

Handa nang magpakitang gilas ang 19-year old Filipina racer na si Bianca Bustamante sa nalalapit na Season 2 ng F-1 Academy race sa Jeddah, Saudi Arabia.

Si Bustamante ang kauna-unahang female driver ng kanyang bagong racing team na Mclaren, na lalahok sa All Female Championship Race.

Aniya, dahil sa matibay na suporta ng Maclaren Racing Team, excited na siya sa Season Opening lalo na’t naging malakas ang kanilang performance sa preseason tests.

Una nang nagpamalas ng galing si Bustamante sa Season 1 ng All-Female Championship, kung saan naiuwi nya ang seventh spot sa 15-grid lineup.

Nakatakdang namang magsimula ang Season 2 sa March 9 2024.

About The Author