dzme1530.ph

Pinay na si Karla Majam, nakuha ang titulo bilang Miss Uniworld 2023

Hinirang bilang pinakamagandang babae sa uniworld si Karla Majam matapos niyang masungkit ang grand title sa international pageant na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Wagi sa Miss Uniworld 2023 ang kauna-unahang Filipina beauty queen na clinically-diagnosed na may mild autism.

Maliban sa korona, nakuha rin ni Karla ang Best Catwalk Award.

Ayon kay Karla, hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan sa kanyang tagumpay bagkus ay naging inspirasyon pa niya ito para mas pag-igihan pa at ibigay ang kanyang best sa naturang beauty competition.

Labis naman ang pasasalamat ng beauty queen sa kanyang mga taga-suporta lalo na sa kanyang pamilya na naniniwala sa kanya.

Samantala, balak rin umano ni Karla na sumali sa Miss Universe at Binibining Pilipinas sa mga susunod na taon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author