Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pilipina na biktima ng human trafficking at kasama nitong lalaki na nagpanggap bilang mag live-in partners sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sa report ng imigrasyon sa counter na ang pinaghihinalaang lalaking trafficker at ang kanyang biktimang pinay ay magbabaksyon sa Kota Kinabalu, Malaysia.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansinco lumalabas sa record na ang naturang lalaki ay dati nang nagsama ng Pinay sa Malaysia na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa Pilipinas.
Ito aniya ay isa pang kaso ng “Bitbit” scheme, kung saan ang madalas na pagtatangka na ihatid ang isang babaeng biktima na malinlang ay magtatrabaho bilang isang sex worker sa ibang bansa.
Ang biktimang nasagip ay itinurn-over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), habang ang trafficker ay nahaharap sa mga posibleng kaso ng paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.