dzme1530.ph

PINAY CAREGIVER, PATAY SA AIRSTRIKE SA ISRAEL

Loading

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang Filipina caregiver sa Israel ang nasawi sa umiigting na tensyon sa Middle East.

 

Sa video message na naka-post sa kanyang Facebook account, malungkot na ibinalita ni Marcos ang pagkamatay ni Mary Anne Velasquez De Vera, Tubong Pangasinan.

 

Ayon sa Pangulo, tinutulungan ni De Vera ang employer nito na dalhin sa bomb shelter subalit inabutan sila ng pagbagsak ng bomba bago pa man sila makarating sa kanilang pagtataguan.

 

Idinagdag ni Marcos na binawian ng buhay ang pinay matapos tamaan ng shrapnel ng mga bumagsak na bomba.

 

Nakilala aniya ang Pinay caregiver ng asawa nito na nagta-trabaho rin sa Israel.

 

Tiniyak din ni Pangulong Marcos na ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng tulong na kakailanganin ng pamilya ni De Vera.

About The Author