dzme1530.ph

Pinarangalang Outstanding Civil Servants ngayong taon, patunay na hindi simple ang trabaho ng mga lingkod-bayan

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pinarangalang Outstanding Civil Servants ngayong taon ay silang patunay na hindi simple ang trabaho ng mga lingkod-bayan.

Sa kanyang talumpati sa awarding ceremony sa Malacañang ngayong Miyerkules, sinabi ng Pangulo na pinasinungalingan ng mga tumanggap ng parangal ang paniniwala ng publiko na walang sigla at ordinaryo lamang ang ginagawa ng civil servants.

Ini-halimbawa ni Marcos ang isang awardee na municipal dep’t head sa Iloilo, na nanguna sa inisyatibo para sa pagtatanim ng 150,000 puno, at naging daan sa pag-convert sa isang abandonadong palaisdaan bilang eco-park.

Kaugnay dito, umaasa ang Pangulo na balang araw ay magwawagi rin ng parangal ang iba pang mahuhusay na kawani ng gobyerno.

Sa nasabing seremonya ay iginawad ang Presidential Lingkod Bayan Award, CSC Pagasa Award, at Dangal ng Bayan Award sa ilang pampublikong doktor, nurses, mga guro at principal, LGU workers, at iba pang Civil servants na nagpamalas ng kakaibang husay sa tungkulin para sa pag-aangat ng ekonomiya, lipunan, at kalidad ng serbisyo-publiko. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author