![]()
Pinaniniwalaang malapit ng ikasal si Bea Alonzo sa kanyang boyfriend na si Vincent Co.
Ito’y matapos i-post sa livestream ng St. Peter the Apostle Parish sa Maynila ang marriage banns, kahapon.
Ang marriage banns ay nagsisilbing official annoucement ng magkasintahan na nais magpakasal, base sa Catholic traditions.
Sa binasa ng commentator at naka-flashed sa screen, inanunsyo ang tawag para sa planong pagpapakasal ni Ferdinand Vincent Pe, 44 years old, anak nina Lucio L. Co at Susan Pe, kay Phylbert Angelli Escalante Ranollo, 38 years old.
Isinapubliko rin ng simbahan na magkapareho ang address ng magkasintahan sa isang mamahaling bahagi ng Paco sa Maynila.
Sa kabilang nito ay hindi pa kinukumpirma o itinatangi ng magkakasintahang Bea at Vincent ang kanilang marriage plans.
