dzme1530.ph

Pinalawak na PhilHealth benefits para sa mga Pilipino, ikinatuwa ni HS Romualdez

Loading

Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez kay Pang. Ferdinand Marcos, Jr. sa direktiba nito sa PhilHealth para sa mas malawak na health benefits na ibinibigay sa sambayanang Pilipino.

Kasunod ito ng expanded benefits ng PhilHealth sa outpatient emergency care coverage, at itinaas na rate packages sa critical illnesses.

Ayon kay Romualdez, ito ang klase ng reporma na direktang nararamdaman ng tao.

Dahil sa mas malawak na health program ng administrasyong Marcos, mas maraming Pilipino na ngayon ang makakapagpagamot agad ng hindi na natatakot sa gastusin ng pagpapa-ospital.

Sa bagong Facility-Based Emergency Benefit alinsunod sa Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) package, lahat ng PhilHealth members ay makakatanggap na ng emergency medical attention sa mga accredited hospitals kahit hindi sila ma-admit.

Bukod pa dyan itinaas din ang case rate package sa halos 9,000 medical conditions gaya ng pneumonia, cancer treatments, heart surgeries, maternal health services at iba pang may kamahalan ang pagpapagamot.

About The Author