dzme1530.ph

Final admin senate slate sa 2025 polls, binubuo pa

Sinusugan ni House Majority Floor Leader Manuel Mannix Dalipe, Jr. ang pahayag ni Partido Federal ng Pilipinas President Gov. Reynaldo Tamayo, na wala pang final senatorial lineup ang alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Nilinaw ni Dalipe na ang kasunduan sa meeting ng party leaders na sumusuporta kay Pres. Ferdinand Marcos Jr. ay magsumite ng nominees by September 15 ang mga partido na siyang pagpipilian para sa final 12 senatorial lineup.

Aniya, ang mga pangalan na lumabas sa listahan ni Sen. Imee Marcos ay hindi umano opisyal at “speculative.”

Dadaan pa umano sa mabigat na deliberasyon at isasapinal pa ng alyansa ang magiging final lineup.

Ito ay para makatiyak na magagaling, kwalipikado, at umaayon sa shared vision ng coalition ang mga kandidato na ihaharap nila sa publiko.

Kasabay ng paglilinaw, umapila rin si Dalipe sa lahat na maging pasensyoso muna at hayaan na matapos ang proseso. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author