dzme1530.ph

Pinakamataas na voters turnout sa midterm elections, naitala ngayong taon

Loading

Naitala ng Commission on Elections ngayong tao ang pinakamataas na voters turnout sa kasaysayan ng midterm elections.

Sa press briefing, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, umabot sa 81.65% ng 68.6 milyong registered voters ang lumahok sa katatapos na halalan.

Isa naman sa pinakamataas na naitalang voter turnout ay noong nakalipas na Presidential Elections noong 2022 na umabot sa 82.5%.

Sa nakitang datos ni Garcia, naging malaking factor ang pagboto ng maraming kabataan na naging aktibo sa nakalipas na halalan at nagnais na marinig ang kanilang boto.

Naniniwala si Garcia na na-challenge ang kabataan para sa tamang prinsipyo dulot na rin ng iba’t ibang isyung pumutok sa bansa.

Dumagsa din naman anya ang mga nakatatanda lalo na’t sa unang dalawang oras ng botohan o itinakdang early voting naitala ang tatlong milyong bumoto na mga senior citizen at persons with disabilities.

Wala namang nakikitang epekto si Garcia sa voters turnout ang mga bagong makina na ginamit sa halalan ang tingin niya bago man o hindi ay boboto talaga ang tao.

Hindi rin naman anya matatawaran ang naging pagkilos ng Comelec upang hikayatin ang publiko na bumoto at  maging alerto sa vote buying.

Sinabi ni Garcia na posibleng batay na rin sa kanilang mga kampanya ay naniniwala ang mga Pilipino na mabibilang ang kanilang mga boto kaya’t naging aktibo sa pagboto.

About The Author