dzme1530.ph

Pinakamalaking military drills sa nakalipas na 5 taon, sinimulan na ng US, South Korea

Nagsimula na ang pinakamalaking joint military exercises sa pagitan ng South Korea at United States sa nakalipas na limang taon.

Sa kabila ito ng babala ng North Korea na ang naturang drills ay maituturing na “Declaration of War.”

Ni-level-up ng Washington at Seoul ang kanilang defense cooperation sa harap ng lumalaking banta mula sa Pyongyang, na naglunsad ng serye ng mga ipinagbabawal na armas nitong mga nakalipas na buwan.

Ang US-South Korea exercises na tinawag na “Freedom Shield” ay tatagal ng 10 araw at tututok sa pagpapalit ng security environment bunsod ng “redoubled aggression” ng North Korea.

About The Author