Nakapagtala ng pinakaunang mga kaso ng malaria sa loob ng dalawang dekada ang Estados Unidos, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Naiulat ang apat na kaso ng nakamamatay na sakit na dala ng lamok sa Florida at isa sa Texas noong Hunyo a-23.
Kaugnay nito, hinikayat ng CDC ang mga residente na makararanas ng sintomas ng malaria na agad magpakonsulta sa doktor.
Gayunpaman, sinabi ng CDC na nananatiling nasa low risk ang malaria sa US at karamihan sa mga kaso nito ay nakukuha ng isang indibidwal na may travel history sa ibang bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho