dzme1530.ph

Pinaka-malaking solar pump irrigation sa bansa, pinasinayaan ng Pangulo sa Quirino, Isabela

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Cabaruan Solar Pump Irrigation Project sa Quirino, Isabela, na itong pinaka-malaking Solar-Powered Irrigation sa Pilipinas.

Pasado 9:00 ng umaga ngayong Lunes nang dumating ang Pangulo sa solar irrigation site sa Brgy. Cabaruan para sa Inauguration Ceremony.

Kasama niya sina NIA Administrator Eduardo Guillen, House Speaker Martin Romualdez, Isabela Gov. Rodolfo Albano III, at iba pang opisyal.

Ang Cabaruan Solar Pump Irrigation ay proyekto ng National Irrigation Administration na ginastusan ng P65.7 million, at mayroon itong 1,056 solar panels na kayang makapagbigay ng irigasyon sa 350 ektarya ng lupang sakahan.

Layunin nitong matulungan at mapababa ang gastos sa produksyon ng mahigit 200 magsasaka, na matagal nang umaasa sa mahal na gasolina at diesel para sa water pumps.

About The Author