dzme1530.ph

Pilot testing ng 1-ton palay bagging system, sinimulan na ng NFA

Loading

Inumpisahan na ng National Food Authority (NFA) ang pilot testing ng kanilang panukalang one-ton bagging system para sa palay sa kanilang warehouse sa Nueva Ecija.

Ito ay para mabawasan ang storage costs, tumaas ang warehousing capacity, at mapagbuti ang grain quality preservation.

Sinabi ng NFA na ang one-tonner bagging system ay may mas maraming advantage kumpara sa tradisyonal na pamamaraan.

Bukod sa makatitipid sa gastos sa storage at transportasyon, makatutulong ang airtight bags para mapreserba ang quality ng palay laban sa moisture, init, mga insekto, at daga.

Idinagdag ng ahensya na sa kasalukuyan ay gumagastos sila ng P15 per printed sack at may karagdagang gastos pa sa bawat bag para sa labor.

About The Author