Hiniling ni Sen. Grace Poe sa binuong Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) na tapusin at isumite na ang resulta ng kanilang pilot study ukol sa motorcycle taxi program sa bansa.
Sa gitna ito ng panawagan ng mga transport groups kay Pangulong Bongbong Marcos na ipatigil ang expansion ng motorcycle taxi dahil sa nalalapit na desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa pagbibigay awtorisasyon sa maraming kumpanya bilang player sa pilot study
Ipinaliwanag ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na ang pagpapalawak ng motorcycle taxi program sa ibang lugar at pagpasok ng new players ay nangangailangan ng sapat na pagpaplano at traffic assessment
Kaya dapat na anyang maipakita ng TWG na pinag-aralan nila ang magiging epekto ng motorcycle taxi sa mga commuters at service providers.
Kailangan din anya ng kongreso ang resulta ng pag-aaral ng TWG upang matiyak na ang magiging regulasyon para sa programa ay tumutugon sa pangangailangan ng transport sector
Binigyang-diin pa ng senadora na bago payagan ang ganap na rollout o tuluyang paglulunsad ng motorcycle taxi kailangan munang matiyak na may kaukulang safety, security at regulatory requirements ang programa.