Plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magsagawa ng pilot implementation ng Food Stamp Program sa mga munisipalidad na apektado ng kaguluhan at kalamidad.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tatagal ang pilot run ng anim na buwan at layunin nitong matulungan ang nasa 3,000 pamilya mula sa targeted communities, kabilang na ang Bangsamoro region at CARAGA region.
Aniya, sa ngayon ay nasa fine-tuning pa sila ng programa subalit ang tinutukoy ng World Food Program ay dapat iba-iba ang anyo ng lugar, gaya ng BARMM na dating conflict area at CARAGA na sinalanta ng kalamidad.
Ang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” ay idinisenyo upang tulungan ang targeted families na matugunan ang involuntary hunger sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano, DZME News