dzme1530.ph

Pilipinas, walang sapat na pwersa para paalisin ang Chinese monster ship sa WPS ayon sa Pangulo

Loading

Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang sapat na pwersa ang Pilipinas para paalisin ang Chinese monster ship sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, walang aircraft carrier na may destroyer, frigate, at submarine ang bansa na maaaring i-deploy upang itulak palayo ang monster ship.

Sinabi rin ni Marcos na pagdating sa palakihan at paramihan ng barko, malayo ang Pilipinas sa China.

Sa kabila nito, tiniyak ng Pangulo na nananatili ang polisiya ng pagtatanggol sa sovereign territory at territorial rights sa ating exclusive economic zone (EEZ), at pagbabantay sa mga mangingisdang Pilipino.

Patuloy din umanong ipadadala ang mga barko sakaling may mamamataang foreign vessel sa ating karagatan, kahit pa ito ay banggain, bombahin ng tubig, i-laser, o harangin.

About The Author