dzme1530.ph

Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang M6.2 na lindol sa Papua New Guinea —PHIVOLCS

Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang malakas na paglindol sa Papua New Guinea.

Sa advisory ng PHIVOLCS kaninang alas-5:12 ng umaga, walang nakitang tsunami threat base sa kanilang datos.

Nabatid na niyanig ang Papua New Guinea ng Magnitude 6.2 na lindol kaninang alas-4:57 ng madaling araw, at may lalim na 79 kilometers.

About The Author