dzme1530.ph

Pilipinas, UN member states dapat magsanib puwersa upang mapatigil ang China sa panghihimasok archipelagic waters ng bansa

Loading

Dapat nang paigtingin ng Pilipinas ang effort para makahikayat ng iba’t ibang bansa sa ilalim ng United Nations (UN) na magkaisa para matigil ang panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Pahayag ito ni Maritime Expert at University of the Phils (UP) Prof. Jay Batongbacal, kasunod ng ulat ukol sa tatlong China Coast Guard (CCG) na namataang naglalayag malapit sa El Nido, Palawan.

Ayon kay US Maritime Security Expert Raymond Powell, ang 3 CCG vessels ay nanggaling sa Scarborough Shoal, at namataan sa layong 35 nautical miles o 65 kilometers sa Palawan kahapon.

Sa ngayon wala pang pahayag o kumpirmasyon ang Phil Coast Guard (PCG) at maging ang Chinese Embassy kung ano ang ginagawa ng tatlong barko ng CCG sa loob ng Philippine waters.

About The Author