Umakyat ng tatlong pwesto ang Pilipinas sa global anti-red tape rankings.
Ayon sa Anti-Red Tape Authority, mula sa pang-52 ay nasa pang-49 na pwesto na ang bansa pagdating sa gov’t efficiency, sa 2024 World Competitiveness Report ng International Institute for Management Development.
Kinilala naman ng ARTA ang mga hamong tinukoy sa report tulad ng pagpapanatili ng job-generating investments at infrastructure.
Kaugnay dito, tiniyak ng ARTA na nananatiling committed ang gobyerno sa pag-streamline at pag-digitalize ng mga serbisyo, para sa mas competitive at business-friendly na Bagong Pilipinas.
Kabuuang 67 bansa ang kasali sa world competitiveness report, at naging batayan sa Anti-Red Tape rankings ang mga polisiya, economic performance, business efficiency, at imprastraktura.