dzme1530.ph

Pilipinas, tiniyak ang tulong sa pagpapauwi ng mga labi ng mga sundalong Hapon na nasawi sa bansa noong World War II

Handa ang Pilipinas na tulungan ang Japan sa pagpapauwi ng mga labi ng mga sundalong Hapon na namatay sa bansa noong World War II.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na makikipag-ugnayan sila kasama ang Department of Foreign Affairs sa gobyerno ng Japan upang matiyak na magiging maayos ang recovery at repatriation.

Mahigit 300,000 labi ng Japanese soldiers na nasawi noong World War II sa pagitan ng 1942 hanggang 1945 ang pinaniniwalaang nanatili sa bansa.

Noong Huwebes ay nakipagpulong si Abalos sa mga opisyal ng Ministry of Health, Labor, and Welfare ng Japan sa pamumuno ni Minister for Economic Affairs Nihei Daisuke sa Japanese Embassy. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author