dzme1530.ph

Pilipinas, suportado ang pag-adopt ng ASEAN sa E-vehicle Ecosystem

Suportado ng Pilipinas ang deklarasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pag-adopt ng Regional Electric Vehicle Ecosystem o paggamit ng electric vehicles.

Dumalo si Trade Sec. Alfredo Pascual sa pagpupulong ng trade ministers ng ASEAN countries sa 22nd ASEAN Economic Community Council Meeting sa Jakarta, Indonesia.

Tinalakay dito ang transition sa clean energy at pag-develop ng Regional Electric Vehicle (EV) Ecosystem.

Sinuportahan ng bansa ang deklarasyon na alinsunod sa naipasang Electric Vehicle Industry Development Act, na itong sumasagisag sa commitment ng Pilipinas sa green transportation at fossil fuel-free environment.

Naniniwala rin si Pascual na ang paglalagay sa ASEAN sa matatag na posisyon sa e-vehicle ecosystem ay makahihikayat ng mas marami pang hi-tech investments na lilikha ng high-value jobs. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author