dzme1530.ph

Pilipinas, sine-swerte pa rin dahil nakakaranas ng ulan

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sine-swerte pa rin ang Pilipinas dahil nakakaranas pa rin ito ng pag-ulan.

Ito ay sa gitna ng matinding tagtuyot o El Niño.

Sa talumpati sa briefing at site inspection ng itatayong Clark Multi-Specialty Hospital sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, sinabi ng Pangulo na itinuturing niya pa rin ang araw na ito bilang isang “beautiful day”, sa kabila ng masamang panahon.

Ibinahagi ni Marcos na tuwing gumigising siya sa umaga at nakikita niyang umuulan ay nasasabi niyang swerte pa rin ang bansa at mahal pa rin ito ng Diyos.

Matatandaang idineklara na ng pagasa ang nagsimulang El Niño phenomenon sa bansa.

Gayunman, simula pa noong mga nakaraang araw ay nakararanas ng walang tigil na pag-ulan ang maraming lugar na nagdulot ng mga pagbaha, bunga ng dumaang bagyong “Dodong” at ng hanging habagat. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author