Posibleng muling mag-import ang bansa ng 1.3-M metric tons ng bigas ngayong taon.
Ito ang inihayag ng Department of Agriculture matapos ang sectoral meeting sa Malakanyang kaninang umaga na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tumatayo ring Agriculture Secretary.
Ang sectoral meeting ay ipinatawag sa harap ng tatlong global events na posibleng makaapekto sa bigas ng bansa, kabilang ang pagkalas ng Russia sa black sea grain initiative, pag-ban ng India sa pag-eexport ng non-basmati white rice, at ang El Niño o matinding tagtuyot.
Kaugnay dito, sa press briefing sa Palasyo ay sinabi ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla na magtatakda sila ng schedule ng pag-iimport ng bigas.
Sa ngayon ay aabot umano sa 1.3-M metric tons ang volume ng bigas sa mga nakabimbing aplikasyon sa pag-iimport.
Hinihingi naman ng DA ang tulong ng pribadong sektor sa harap ng mga kasalukuyang problema sa bigas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News