dzme1530.ph

PILIPINAS, POSIBLENG MAWALAN NG 200 MILLION DOLLARS NA BANANA EXPORTS BUNSOD NG GULO SA MIDDLE EAST

Loading

Posibleng mawalan ng banana exporters sa bansa ng halos 200 million dollars o nasa 12 billion pesos na kita bunsod ng trade disruptions sa Middle East dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan.

 

Binulabog ng Gulf War ang local banana industry, partikular ang exporting companies, dahil sa pagpigil nito sa pagsisikap ng bansa na palakasin ang foothold sa lumalaking Middle Eastern market.

 

Partikular ang Iran, na naging isa sa most lucrative non-Asian destinations para sa lokal na saging.

 

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), Iran ang isa sa fastest growing markets ng Pilipinas para sa saging, na nakapagtala ng annual growth rate na 15% simula 2020 hanggang 2025.

 

Ngayon ay ika-apat ang Iran sa largest market ng bansa para sa fresh bananas.

About The Author