Posibleng makapagtala ang bansa ng mas mahinang balance of payments (BOP) position ngayong taon at sa 2026, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa statement, inihayag ng Central bank na ang overall BOP position ay inaasahang maitatala sa deficit ngayong 2025 at sa susunod na taon, na may mas malawak na gap.
Sinabi ng BSP na posible rin na manatiling malambot ang global economic growth hanggang sa 2026, dahil sa pagsisikap ng mga bansa na makaagapay sa mga pagbabago sa foreign policy ng US.
Idinagdag ng Central bank na ang huminang ekonomiya ng China, geopolitical tensions sa Middle East, at pabago-bagong commodity prices ay magpapabagal din sa paglago ng global economy.