dzme1530.ph

Pilipinas, planong bumuo ng FTA sa America sa cyberspace at digital technology

Plano ng Pilipinas na bumuo ng bilateral Free Trade Agreement (FTA) sa America sa cyberspace, digital technology, at iba pang larangan.

Ayon kay Philippine Ambassador to USA Jose Manuel Romualdez, committed ang America sa pagtulong at itinuturing nito ang Pilipinas bilang isang major investment hub para sa maraming American companies.

Bukod dito, tinitingnan din umano ng USA na isali ang buong ASEAN region sa Indo-Pacific Economic Framework.

Samantala, sisikapin din umano ng Pilipinas na bumuo ng kaparehong ugnayang pang-kalakalan sa Japan.

Mababatid na bukod sa makasaysayang trilateral summit sa Washington D.C., idaraos din ang PH-US-Japan Trilateral Economic Ministers Meeting na lalahukan ng Department of Trade and Industry.

Sinabi naman ni Romualdez na ifo-follow up kay US Commerce Secretary Gina Raimondo ang potential investments na ipapasok sa Pilipinas.

About The Author