dzme1530.ph

PILIPINAS, PINAG-AARALANG KUMUHA NG LANGIS SA RUSSIA

Loading

Pinag-aaralan ng Pilipinas ang posibilidad ng pagkuha ng supply ng langis mula sa Russia sa gitna ng nararanasang energy challenges.

 

Sagot ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanong ng Bloomberg na kung lalapit ito sa China o Russia para sa karagdagang supply ng petrolyo.

 

Sinabi ng Pangulo na matagal nang trading partner ng Pilipinas ang China, at sinusubukan ng pamahalaan na itaas ang supply ng bansa.

 

Ang Russia naman aniya ay hindi traditional supplier ng crude oil sa Pilipinas subalit tinitingnan din nila ang pagkuha rito ng langis.

 

Ayon sa report ng Reuters, nakikipag-ugnayan din ang Pilipinas sa Washington para ma-secure ng waivers at exemptions upang makakuha ng supply mula sa mga bansang na-sanction ng US.

About The Author