dzme1530.ph

Pilipinas, pangalawa sa happiest countries sa Southeast Asia

Pumangalawa ang Pilipinas sa listahan ng happiest countries sa Southeast Asia, ayon sa 2024 World Happiness Report.

Mula sa 143 bansa na sinurvey, pang-53 ang Pilipinas, na tumaas ng dalawampu’t tatlong pwesto mula sa 76th place noong nakaraang taon.

Ang Singapore na nasa rank 30, ang nanguna sa listahan ng happiest countries sa Southeast Asian region.

54th naman ang Vietnam; 58th ang Thailand; 59th ang Malaysia; 80th ang Indonesia; 94th ang Laos; 118th ang Myanmar; 119th ang Cambodia.

About The Author