Nasungkit ng Pilipinas ang ika-16 na pwesto sa 2023 World Economic Forum’s (WEF) Global Gender Gap Index Report.
Sa 146 na bansang kabilang sa ranking, muli na namang nakapasok sa top 20 ang Pilipinas sa parity score na 0.791.
Naging basehan ng index report na ito ay ang economic participation and opportunity; educational attainment; health and survival; at political empowerment.
Nakakuha ng mataas na iskor ang bansa pagdating sa educational attainment sa iskor na 0.999 at pinakamababa naman sa political empowerment na may 0.409 points.
Napasama rin ang bansa sa top 3 countries na nagpakita ng gender equality sa East Asia at Pacific Region, kasama ang Australia at New Zealand.
Habang pinangalanan namang most gender-equal countries sa buong mundo ang mga bansang Iceland, Norway at Finland.
Matatandaang taong 2022 nang makapasok rin ang Pilipinas sa naturang index report sa pang-19 na pwesto. —sa panulat ni Jam Tarrayo