dzme1530.ph

Pilipinas, nasa preparatory stage na ng paghahain ng kaso laban sa China

Tuloy-tuloy na ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan kaugnay sa pinaplano nito na paghahain ng panibagong kaso laban sa China kaugnay ng pagkasira ng corals sa West Philippine Sea.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, mayroon na silang close coordination sa Office of the Executive Secretary kaugnay sa pagsasama ng panibagong petisyon sa International Arbitral Tribunal.

Kabilang sa mga gagamiting ebidensya ay ang bilang ng mga maritime militia na maaaring responsable sa pagkasira ng corals.

Kumbinsido si Remulla na ang pagsira sa corals ay paraan ng China para magtayo ng isang artificial island sa pinag-aagawang teritoryo. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author