dzme1530.ph

Pilipinas, nakipag-partner sa Korean government para sa local manufacturing ng farm equipment

Nakipag-partner ang Pilipinas sa Korean government para mapagbuti pa ang local manufacturing ng farm equipment, ayon sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech).

Ayon kay PhilMech Executive Director Dionisio Alvindia, layunin ng partnership na palakasin ang local manufacturing para hindi na nakapende ang bansa sa mga imported na makina.

Sinabi ni Alvindia na karamihan ng farm equipment sa Pilipinas, gaya ng tractors at combined harvesters ay imported.

Bilang paghahanda naman para sa napipintong pagtama ng El Niño, magbibigay aniya ang PhilMech sa mga rice farmer ng equipment na mangangailangan lamang ng mas kaunting tubig para sa paghahanda ng lupa, pati na solar irrigation systems. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author