dzme1530.ph

Pilipinas, nakapagtala ng unang kaso ng Omicron subvariant na FE.1

Na-detect sa bansa ang unang kaso ng Omicron subvariant na FE.1.

Ayon sa latest COVID-19 bio surveillance report ng Department of Health (DOH), ang FE.1 ay sublineage ng XBB, na idinagdag sa listahan ng “variants under monitoring” ng European Centre for Disease Prevention and Control.

Sa ngayon, ang FE.1, na kilala rin bilang “XBB.1.18.1.1” ay na-detect na sa 35 bansa o jurisdictions sa anim na kontinente.

Sinabi ng DOH na limitado pa lamang ang impormasyon na available at pinag-aaralan pa ng researchers ang FE.1 pagdating sa transmissibility, immune evasion, at kakayahan nito na magdulot ng mas malalang sakit. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author